good day po me gusto po akong itanong tungkol po sa problema ng uncle ko.naaksidente kasi ang kanyang isang kasamahan at namatay pero sa mga oras na iyon di pa siya dumarating pero ang sabi ng ibang kasama nila matigas kasi ang ulo hindi nagsusuot ng skullguard at medyo may kapabayaan din ang kompanya.isang mutual friend nila ang lumapit sa uncle ko at inimbitahan siya na mag-usap sila tungkol sa aksidente akala ng uncle ko sa tabi tabi lang sila magkuwentuhan pero dinala siya sa opisina ng isang attorney at doon kinunan siya ng statement tungkol aksidente at ang kapabayaan ng kompanya.sinagot naman niya ang mga tanong ng attorney.ngayon po lagi siyang tinawagan at gustong makipagkita ang atty., pero ayaw na niyang pumunta baka maapektuhan ang trabaho niya. ang tanong po ay, *pwede bang tanggihan ang invitation ng abogado? * kung sakaling kunin siyang witness at tanggihan niya ano po ang mangyayari?
Free Legal Advice Philippines