Ako po si Joan, Pangalawa sa aming 12 magkakapatid na ulila na sa ina kaya ako po ay lumalapit sa inyo. Tanung ko lang po kung ano po ang pwede naming gawin sa bayaw ko na si Gary. 2 years ago ay pina blotter namin sya sa kasong attempted rape sa kapatid ko na nagbabantay ng anak nya sa bahay nila dahil nagdesisisyon magabroad ang kapatid ko na asawa nya. Pinablotter namin ito sa baranggay namin at sa baranggay nya. Hindi kami natuloy sa pulis blotter dahil nakiusap ang kapatid ko na asawa nya sa nangyari at alam na dadamputin daw sya agad ng pulis kapag itinuloy namin. 2 Baranggay blotter lang po ang nangyare sa reklamo namin na naganap nuong June 26, 2008. Nakaraan lang nitong taon, Jan 11, 2010 ay pumunta sya sa bahay namin para sunduin ang kapatid ko na nakisama dahil birthday ng isang pamangkin ko at lasing na humarap at pinagsisigawan ang kapatid ko na asawa nya. Dinuro ko sya at sinabi ko na " HOY, WAG KANG MAGSISISIGAW DITO, RESPETUHIN MO KAPATID KO, UMALIS KA NA" at ako ay kanyang sinuntok ng 2 beses at ng makita ng kapatid kong lalaki ay sinuntok din sya at sya ay duguan. Nagkasigawan sa daan at binantaan nya kaming magkakapatid. Pinablotter ko sya ulit. Ngaunit nauna sya na file ng complain kaya po kami ang respondent ng brother ko. 3 hearing ang nakaraan at sa huli ay pinili nya ituloy ang kaso bilang Physical injury. Nagdesisyon kami ng brother ko magcounter complain habang may panahon pa hintayin ang Lupon. Nagfile po kami ng Physical injury at Threat at attempted rape gawa ng mapasaan nya ako sa pagsuntok niya at threat dahil sa mga binitawan nyang mga salita na narinig ng mga kapitbahay at baranggay tanod na rumisponde sa amin. Sa Feb 19 ay hearing namin sa Lupon. Ito po ang mga tanong sa aking isipan:
1) Nagdesisyon po kami ituloy ang attempted rape na pinablotter namin sa parehong baranggay namin ngunit hindi makita ang blotter sa isang baranggay na baranggay ng nasabing si Gary na bayaw ko. Mismong buwan lang namin ( JUNE 2008 ) lang po ang nawawala. Paano po kami makakakuha ng kopya nuon gayong pakiramdam ko ay itinatago na sa amin ang blotter namin?
2) San po kami magsisimula sa pagkakaso ng aming mga reklamo gayong wala na kaming magulang at sapat lang ang kinikita namin?
3) Pwede ko pa po ba ituloy ang pulis blotter namin sa kanya gayong 2 taon na ang nakakalipas? meron ho akong proof ng mga text ng kapatid ko na pumigil sa amin na ipablotter ang asawa nya kung ito ay makakatulong.
4) Makukulong po ba ang kapatid ko na nagtangol lang sa akin dahil nga po ang bayaw ko na si "Gary" ang nagsimulang manakit sa akin at alam ng Diyos na babae ako at hindi napigilan ng kapatid kong lalake na ipagtanggol po ako.
5) Magkano ho ba inaabot ang ganitong klase ng kaso?
Kung meron pa po kayo maiaadvise at proseso na pwede namin malaman dahil wala po talaga kaming alam sa ganitong problema ay buong puso ko pong ipinagpapasalamat. Sumunod ho ako sa panganay at ako po ay 30 years old na babae at namumuhay ng tahimik sana ngunit hindi naman ho ako makapayag na makulong ang kapatid ko na nagtanggol sa akin dahil nga sinaktan ako ng bayaw ko kaya po nakikiusap po ako sa inyo ngayon.
Maraming salamat sa iyo at sa pamilya mo na sana ay aging suportahan ang gawain mo na makatulong sa kapwa. God bless po!