back in 2010 po, nakiusap po ako sa kaibigan ko na i-visit visa nya ako sa dubai. pumayag naman po sya pero ang sabi nya ung perang gagamitin e uutangin nya lang sa ibang tao na may 10% kapalit ng atm nya. nagka-work po ako doon pero laging delayed ang sweldo at hindi pa buo. so ang nangyayari, laging interest lang ang nababayaran ko. hanggang nung christmas party namin sa bahay nagkaroon ng sigalot at nasaktan ako ng isa sa mga ka-flat mate ko. Umuwi ako ng pinas dahil sa emotional at psychological hurt na naramdaman ko na ung itinuturing kong pamilya sa dubai ay nagawa sa akin un at hindi para takbuhan ang utang ko katulad ng sinasabi nya sa facebook wall status nya na nakikita ng lahat ng nakakakilala sa amin. Walang naging concern na pa xray man lang ung bukol ko sa ulo na kasinlaki ng noo ko that time. Mga 3 months akong natambay at hindi na nakapagbayad sa kaibigan ko kahit interest. Madalas syang mag email at sinasabi kong magbabayad ako kapag nakaluwag. Nagpadala pa ako sa kanya ng excel file kung pano ko mababayaran ung utang ko pero hindi ko din nasunod.
Ngayon ay nasa Singapore ako at nagbabakasaling makabawi. Sa huli nyang message sa akin, kinukuha nya ung contact number ko pero hindi ko binibigay at hindi ako nakikipag communicate na. Balak ko kase na mag ipon at isampal sa mukha nya ung bayad ko. Hanggang sa nag comment sya sa isa sa pic sa facebook at don pinangalandakan nya na may utang daw kaming mag asawa, magbayad na daw kami at bugbog na daw ang atm nya na nakasanla. Isang taon na ang nakalipas at malaki ang kita nya sa Dubai. Wala naman akong pakialam sa kinikita nya pero hindi ako naniniwala na nakasanla pa din ang atm nya don sa inutangan nya para sa akin. Pakiramdam ko gusto na din nya akong pagkakitaan ng 10% na tubo simula nung Jan 2011. Nakiusap ako sa kanya noon na bayaran muna nya at sa kanya na lang ako magbabayad pero sabi nya wala daw syang pambayad.
Eto po ang mga tanong ko:
1. Maaari ba nya akong sampahan ng kaso kahit wala kaming pormal na kasunduan o kasulatan?
2. Anong pwedeng nyang maging resort kapag nalaman nyang nasa Singapore ako? Pwede ba nya akong pakasuhan dito at mapauwi?
3. Ung ginagawa nya sa akin na pangangalandakan ng utang ko sa social networking, pwede ko ba syang sampahan ng harassment?
Tulungan nyo po ako Atty. Gulong gulo na po ang isip ko.
I just want to get over this peacefully. I would like to get back to her saying that I will pay her once I am settled her in Singapore out of the moral obligation that I should not be benefited at the expense of the other. I just want to have a ready answer to her that I don't want like her harassing me like what she's doing now and pinamumukha nya akong tanga.
Thank you po.