I need some legal advices po sana regarding my problem. Ganito po kasi ang nangyari, nagpabinyag po kami ng anak namin ng bago kong kinakasama noong 20 dec 2009. May mga bisita at biglang dumating ang anak ng kinakasama ko sa aking bahay at binalibag ng bag ang bakuran ko at nagbitiw ng di magagandang salita laban sa akin. Menor de edad ang bata at dahil sa galit di ko naiwasang masaktan ito. Alam ko pong mali ang ginawa ko at inamin ko na yun. Ang nakakapagtaka lang po di po pala kami kayang protektahan ng sarili kong pamamahay dahil parang lumalabas na ako pa ang may mali dahil menor de edad ang napagbuhatan ko ng kamay. Ano po kaya ang maaari naming gawin upang mabigyang katwiran ang na pinagtanggol ko lang din ang aking sarili at ang mga anak ko? Maaari ko po ba silang kasuhan ng public scandal sila na nga lumusob at nanggulo sa akin ako pa ang madedemanda. Sana po ay mapayuhan nyo po ako dahil di ko na po maintindihan ang batas dito sa Pilipinas.
Maraming Salamat po