Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Advice to file a possible case on ESTAFA

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Advice to file a possible case on ESTAFA Empty Advice to file a possible case on ESTAFA Thu Dec 10, 2009 1:34 pm

joelriola


Arresto Menor

Hello!

Hingi lng po legal advice kung possible to file a case at kung may laban ako.

Eto po ung sitwasyon.

Noong mga 1st Qtr ng 2008, pinaunlakan ko ang referral ng isang lawyer friend(A) na pahiramin ng pera P200K (I issued a check) ang isang kakilala (B) nya. Pumayag ako sa kadahilanang may terms of agreement kami na pinirmahan na babayaran nya ung principal loan in 6mos (evidence by PDCs issued to me). Magbabayad din sya buwan buwan sa loob ng 6mos na un ng interest (PDCs issued) kada buwan. Kasama sa agreement ay ang titulo ng lupa na nasa kamay ni (A) dahil sabi ni (A) may utang c (B) sa pagpapayos ng titulo (i dont know the real problem) kaya na sa kanya ung titulo at may right si (A) to transfer the owner ng titulo. Pagdinatupad ni (B) ung terms of agreement namin ay mapipilitang sakin ililipat ang titulo malilipat, etc. Kaibigan ko po c (A) kaya kahit diko masyado maintindihan eh nagtiwala po ako.

Nakalipas po ang mga ilang buwan ay maayos naman ang pagpopondo ng check cguro dahil interest lng naman ang binabayaran pa. Pero sa unang buwan pa lang ay ininform ako ni (B) kc ok na ata ung titulong inaayos ni (A) para sa kanya kaya parang ang pagkasabi useless na daw ung terms of agreement kc ayos na ung titulo pero ung interest at principal na naloan ni (B) ay ganun parin naman daw. Medyo nag-alangan ako dun kaya parang wala na akong magawa dahil nagamit na nya ung pera hanggang nagtiwala ako na di sya papalya sa usapan namin at mapondohan nya ung mga PDCs na inissue nya sakin.

Pagdating ng anim na buwan at due na ng principal nya ay bigla sya nakiusap na nawalan sya ng work apektado cla nung crisis. Humingi ulit another 6mos at nagissue ulit ng PDCs para sa buwan buwan na interest. Naging irregular ang pagbayad nya at puro interest lng ang nababayaran nya sa iba ibang kadahilanan. Ngayon at December 2009 at di na sya nagparinig at diko na sya matawagan si (B). May dalawa po syang returned checks sakin at ung huli dun ay ung huli nyang pangako na magbabayad na sya ng kalahati dun sa balanxe nya na P100K+. Kung tutuusin diko po nabawi kahit principal lng po ng nakuha nya sakin. Tinutulungan naman ako ni (A) para masingil sya.

Ano po ang pwede kong gawin at kung pwede po ako magfile ng ESTAFA? Ano po ung ihahanda kong mga documents?

Sana po ay matulungan nyo ako.

Maraming Salamat.

Joel Riola
Makati City

attybutterbean


moderator

Pagsapit ng maturity ng bawat tseke, ideposito mo ito kahit na alam mo na tatalbog ito.

Ang una mong dapat gawin ay magpadala ng demand letter kay B na nagsasabi na bayaran niya ang kabuuang halaga ng mga tseke. Mas mainam kung may abogadong tutulong sa iyo upang sumulat at magpadala ng demand letter. Kung hindi pa din magbabayad si B kahit na natanggap na niya ang demand letter ay maaari mo na siyang idemanda.

Maaari kang magsampa ng kasong kriminal sa Opisina ng Piskalya. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong Affidavit-Complaint (Sinumpaang Salaysay na Nagrereklamo) laban kay B at ito ay iyong susumpaan sa harap ng piskal. Maghanap ka ng abogado na gagawa ng iyong Affidavit-Complaint. Ang mga tsekeng tumalbog, demand letter, at katunayan na natanggap ni B ang demand letter (proof of receipt, - either the registry return card or certification from Post Office) ay ilan lamang sa mga dokumento na magiging bahagi ng iyong Affidavit-Complaint.

Dahil ang reklamo mo ay nauukol sa/sa mga tumalbog na tseke, may kasong kriminal na paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o “Bouncing Checks Law”. Kung mapapalabas mo sa iyong Affidavit-Complaint na may ginawang panloloko si B ay maaari din niyang harapin ang kasong estafa. Ganunpaman, nasa diskresyon ng piskal kung ano o anu-ano ang mga kasong isasampa sa korte laban kay B.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum