Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Is the right of my sibling as a student violated? Is what they did considered legal?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ericksonportes


Arresto Menor

Sir/ Madam:

Good Day!

Ipagpaumanhin nyo ngunit nais ko lang po hingin ang opinyon ninyo tungkol sa isang "isyung" kinakaharap hindi lang ng aking kapatid kundi sampu pa ng kanyang mga kaklase.

Bago po ang lahat, nais ko po kayo bigyan ng impormasyon tungkol sa kapatid ko..

1. Ang aking kapatid ko na si Ms.Andie ay pumapasok sa isang pribadong paaralan sa CALABARZON.
2. Sya po ay kumukuha ng kursong BS Med Tech.

Isyu - Hindi daw po makakapagmartsa ang aking kapatid kasi hindi daw po nya naipasa ang tintatawag ng kanilang college na "revalida / qualifying exam" for graduation.

Ang akin pong mga tanong:

1. Tama po ba na gawin ng kanilang college ito at gamiting basehan kahit na wala namang bagsak na major at minor subject ang kapatid ko at wala din syang naiwang mga requirements sa lahat ng subject nya?

2. Legal po ba ang kanilang ginawa, sapagkat sinasabi nilang naabisuhan ang mga magulang ng magkaroon ng meeting last year (November) at pinapirma nila ang mga magulang na patunay na ipinaliwanag nila ang mga policy ng college nila?(Ang meeting po ay nagsentro sa INTERNSHIP ng mga estudyante at PRE-board kung saan sinabi nila na hindi makakapag board exam ang student if hindi nya naipasa ito. Hindi po nila niliwanag ang tungkol sa exam para makagraduate ang student na dapat binigyang diin nila sapagkat unang magmamartsa ang estudyante bago makapagboard).

3.Nang tanungin po kung ito po ba ay kasama sa syllabus ng college, ang sagot po nila ay policy daw po ito ng college. At ito daw po ay papasok sa tintawag nilang 40% grade ng student sa kanyang Internship program (ongoing pa po ang internship ng mga estudyante ng college) may sinasabi po silang 60-40 grade ng estudyante sa internship. So, ibig po bang sabihin maliit na porsyento lang ito at hindi pwedeng pagbasehan nila para wag pagmartsahin ang estudyante?

4. Ang pagpigil po ba sa isang estudyante na hindi kumuha ng BOARD EXAM dahil sa hindi nakapasa sa pre - board ay legal na gawin ng isang kolehiyo? Sapagkat sa kanila na din po nanggaling na ang hindi pagmartsa ng estudyante dahil hindi nya naipasa ang "revalida/qualifying" ay paraan ng kolehiyo upang salain ang mga kukuha ng board exam sa july. Legal po ba ito?

5.Ang nasabing "exam" po para makagraduate ay nakanote at nasa policy nila at hindi incorporated sa syllabus ng kurso ng kanilang college. Gaano po ba kabigat ito para pagbasehan nila kung dapat magmartsa o hindi ang isang estudyante? Para na rin po kasing sinabi nilang ang 4 na taong pagpupursigi ng mga estudyante ay balewala kung hindi nila maipapasa ang isang "exam" na ang intensyon ay salain ang kukuha ng board. Paano naman po ang psychological impact ng ginawa nila sa mga estudyanteng hindi nila pagmamartsahin.

6. Ang Magna Carta of Students po ba ay sakop pati ang mga nasa pribadong kolehiyo?

7. May kapangyarihan po ba mamagitan ang CHED sa ganitong sitwasyon? Ano po ba ang proseso sa pagdala ng ganitong isyu sa atensyon ng CHED?

Ang inyo pong opinyon ay aking ituturing na dagdag kaalaman at aking nalalaman na hindi ito ang solidong solusyon at sagot sa aming kinakaharap na suliranin. Akin din pong nalalaman na ang mga magiging sagot ninyo ay inyong opinyon lamang at hindi ko maaring gagamitin bilang legal na basehan laban sa kolehiyong aking tinutukoy.

Sana po ay mabigyan nyo ako ng mga dagdaga kaalaman base sa inyong opinyon at sagot sa aking mga katanungan.

Lubos na gumagalang,

EEP

attyLLL


moderator

i believe a complaint at ched is your best recourse

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum