Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

help family partition

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1help family partition  Empty help family partition Sat Mar 24, 2012 4:17 pm

gianne


Arresto Menor

gandang hapon po atty

sana mapagtyagaan nyo basahin kwento at maadvisan
mabuti meron ganito website matutulungan kami walang kakayahan
ganito po atty
namatay na po tatay ko pero buhay pa nanay ko kasal sa kanya ako yun legitimate son tapos meron ako 5 illegimate son sa kabila
5months na po patay tatay ko

ngyon humingi nako ng settlement sa kanila sa kabila mga kapatid ko para hatiin na property ng tatay ko at namana nya sa lola
meron na po ako SPA ng nanay ako na ako na lahat mag administer
karamihan ng property ng tatay ko nasa name pa ng lola ko meron kapatid tatay ko 4. yun iba nasa name nya
meron sila extre judicial partition magkakapatid ng tatay ko

nakukuha ko na paano hatian kasi my nag explain na skin kapitbahay halos ganito rin sitwasyon
1/2 sa nanay buhay
1/2 sa tatay patay
dun 1/2 sa parte tatay ko dun kami magkakapatid maghahati ng lupa at iba pa
tig 1/4 kami

sabi ng friend ko meron pa daw kuha ang nanay ko sa 1/4 sa illigitimate son tama po ba? saka sabi ng friend ko din pag nasa name ng tatay mo automatic inyo na lalo na yun bahay na malaki kasi nabuo yun nun nagsasama pa sila way 1980's kung lola mo dun kayo maghahati tama po ba atty?

next question atty
ayaw po pumyag sa kabila sa ganun hatian kasi daw meron daw pinirmahan waiver nanay ko na wala na daw sya pakialam sa mga property ng tatay ko
nakita ko nga naka sasaad dun wala nga
pero hindi naka indicate dun hindi nya inalis yun pag namatay sila hindi na magmamana nanay ko tama po ba ako atty?
valid ba yun ganun isapan nila kahit notoryado

3rd question po pasensya na po dami naipon na kasi
marami po paupahan tatay ko sa ibat iabng lugar nasa name nya iba at iba sa lola ko po
gusto ko po sana kahit papaano mabigyan din ako kahit kaunting kita nila
kaso po tinatago nila skin ayaw nila ituro san yun iba
binirangay ko na po yun ibang tenant na ko ako may ari at nanay ko kami na mag take over no choice na po ako atty kasi ayaw nila ko bigyan eh pareho lang kami may ari nun na
ayaw naman kami pansinin ng barangay kasi dapat daw atty nyo nag uusap na reg dyan
my iba pa bang paraan atty makukuha ako yun hindi idadaan muna sa court kasi wala po ako pera pambayad sa lahat emplyado lag kasi ako
pwede nyo ko pm atty yun aggresive move makakuha ako

4th question
atty kung iaakyat ko na po sa korte for judicial settlement
sabi kasi ng friend ko nasa assest value yun my equivalent babayaran mo
nagsample computation ako pumunta ko sa isang lupa tatay ko sa rizal
100,000 asses value
compute ng court skin P4,130
ibig sabihin atty bawat property babayaran ko ? kaya di ko mafile malaki yata babayaran
sabi din ng friend ko pati daw amilyar babayaran daw pero meron isa nag sabi na kahit di mo muna bayaran yun mga amilyar tutal partition lang naman yan pwede yan kahit filling fee saka ibang charges
tama po ba atty ?

last napo atty
paano po yun moa extra judicial settlement magkakapatid ng tatay ko. 3 kapatid kapatid tatay ko na meron daw sila usapan verbal usupan nila na wala na kuha sa upa tatay mo pero nakasaad sa papel na meron hati tatay ko kita
pag verbal lang usapan masusunod pa din ba yun papel pagdating sa decision ng court mababalewala lahat mga verbal usapan nila magkakapatid itutuon ano sinsabi sa partion?

pasensya na po napahaba naipon kasi mga tanng ko wala kasi pera pambayad pa sa abugado para makapag file na kami ng nanay ko
sana masagot nyo atty at pagtyagaan ako salamat and God bless sa family

2help family partition  Empty Re: help family partition Fri Mar 30, 2012 10:06 am

gianne


Arresto Menor

help atty
sensya na po atty sana mapagtyagaan nyo ako
naipon kasi mga tanng ko
salamat and God bless

3help family partition  Empty Re: help family partition Sun Apr 01, 2012 10:05 pm

attyLLL


moderator

the waiver has no effect because waiver of future inheritance is not allowed.

properties of your father which were donated or inherited by him are his sole property. those bought are conjugal property.

the sharing advice you got is not completely correct. the proper ratios are:

mom 22.22%
son 22.22%
illegit1 11.11%
illegit2 11.11%
illegit3 11.11%
illegit4 11.11%
illegit5 11.11%

to be applied to 100% of the value of properties of your father acquired through inheritance or donation.

for conjugal properties co-owned by your mother the proper ratios are:

mom 61.11%
son 11.11%
illegit1 5.56%
illegit2 5.56%
illegit3 5.56%
illegit4 5.56%
illegit5 5.56%


and that's enough math for today

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

4help family partition  Empty Re: help family partition Sat Apr 21, 2012 5:21 pm

gianne


Arresto Menor

salamat salamat po atty
sa computation nyo salamat po talaga
medyo na relieve ako dun sa sinsabi nyo


the waiver has no effect because waiver of future inheritance is not allowed.

pero nanghina naman ako sa hatian ng mana pag sa lola pa naka pangalan na namana ng tatay ko
halos kanila na lahat 5 laban sa isa
para tinamad tuloy ako habulin baka yun gastos ko pa lugi pa ko sa makukuha ko


follow up question atty
nun pumunta ako kanila mga kapatid ko sabihin ko sa kapatid kakausapin ko nanay mo na para sabihin di pwede yun waiver sinsabi nyo na di na wala ng hati nanay ko

sabi ba naman po skin ng nanay nila
my last will tatay mo na ako lahat mag mamana ng mga naiwan nya walang iniwan ni isa sa inyo
sa korte ko na lang papakita ito kung hahabol kayo
luhaan naman po ako umuwi
kahit kaunti lang sana meron ako para sa kabuhayan ko

atty kung my last will po ang ba tatay ko na pabor sa kanila
kung maghahati kami masusunod ba yun?
db mukhang di patas yata yun sa kanila lahat
parang wala talaga kami ng nanay


salamat po atty pagtytyaga nyo smin pagsagot
God bless po

5help family partition  Empty Re: help family partition Sat Apr 21, 2012 6:58 pm

attyLLL


moderator

even if your father had a will, you would still be entitled to inherit something. smaller though than compared to if he had no will.

try filing a complaint at the bgy





post no. 14,000

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

6help family partition  Empty Re: help family partition Thu Apr 26, 2012 3:32 pm

gianne


Arresto Menor

attyLLL wrote:even if your father had a will, you would still be entitled to inherit something. smaller though than compared to if he had no will.

try filing a complaint at the bgy





post no. 14,000

salamat po ulit atty
ganun po ba kaunti na lang makukuha ko kung my will

regarding po sa barangay nagawa ko na po yan turo din skin ng kaibigan ko pareho kami sitwasyon sabi barangay mo muna
kaso po pinatawag na sya 3x or more di nya pinansin sabi nya sa court na lang nya ako iintayin

pahabol ko lang atty nakakuha po ako ng lastwill ng tatay ko sinsabi nla sa kapatid ko nakiusap ako pengeng kopya
nakita ko nga po dun wala kami makukuha ni isa puro sa kapatid ko lahat
1.)saka napansin ko po pati yun property nabili ng nanay at tatay ko nun nagsasama pa sila sinama nla para sa kapatid ko lang tulad ng bahay at 2 property conjugal ibig po ba sabihin kanila na bahay namin?

2)saka atty napansin ko po yun lastwill na gawa po 2009 eh kasalukuyan masama na lagay ng tatay ko nun oras na yun nun dinadalaw ko sya ganun panahon na mahina na sya at groge na sya iniinum nya gamot hindi na nya ko makausap minsan matino
tapos after 2months nun ngawa yun lastwill namatay na tatay
mhaba po paghihirap nya mahigit 1yr sya nakaratay sa kama madalas naoospital pa sya
alam ko po yun kasi lagi din nasa ospital ako at inaalagaan sya

valid pa ba yun pagkakagawa ng lastwill?
saka po yun lastwill natorize pa sa quezon city? eh taga batangas pa po sila?
at tingin ko po yun pag kakapirma ng tatay sa tingin ko lang po ha hindi pareho ng original ng pirma nya meron kasi ako kopya pirma ng tatay ko

sa tingin ko po my faul po nangyari sa lastwill kasi kahit papaano maganda samahan namin ng tatay ko pag dinadalaw ko sya
hindi din ako mapaniwala kahit ni pisong duling di nya ko bibigyan
ako lang binigyan nya tatay ko po ng land title para ibenta hindi sa kabit nya at mga kapatid ko.. sakin pinapabenta para my pang gamot at pambayad sa ospital
saka ako lang po nakakapagbukas ng vault ng tatay ko at skin lang binigay yun combination number vault

patulong po ulit atty
pasensya na po atty napahaba po ulit sana mapagtyagaan nyo ulit
salamat po ulit

7help family partition  Empty Re: help family partition Fri Apr 27, 2012 11:18 pm

attyLLL


moderator

the will has no effect until it is probated in court

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum