gusto ko po nang advise kung papaano po namin mapapaalis ang tita ko sa lupa namin po, ang lupa po namin ay binili po mismo ng mama ko at nakapangalan sa mama ko po at ang mga papers ay nasa akin po, my kasunduan po ang mama ko at ang tita ko na manirahan po ang tita ko sa lupa namin at alagaan at bantayan noong hindi pa ako pinapanganak sa mundo ang lupa na binili ng mama ko, pero salita lang po iyon walang written contract o affidavit, ngayon po almost 30yrs na nakakalipas at 21 yrs old n po ako gusto na po namin sila paalisin dahil kung tutuusin walang kwenta yung pagbabantay nila sa lupa, nagbayad p po ang mama ko ng ibang tao para iproseso ang TCT ng lupa, isa pa my mga utang ang tita ko kay mama na umaabot na sa 100000php pero ang mali ni mama ay hindi nilista ang mga utang dahil sa kapatid nga nya at alam nyang ndi tatakbuhan ang mama ko,pero sa ngayon iba na ang nangyayari, ayaw umalis ng tita ko sa lupa namin kahit pinapaalis na sila, nakikisawsaw pa ang asawa ng tita ko na nagmamatigas na ayaw umalis dahil my karapatan daw sila sa lupa at may share daw sila sa lupa dapat, ang tanung ko po pano namin sila mapapaalis? at may plano din kasi silang isampa sa korte daw ang karapatan nila sa lupa na ang mama ko ang mismong bumili, nagpagod at nagpakahirap para bilhin ang lupa na iyon, anu ang pwede naming isampang kaso sa tita ko at sa asawa nya na nakiki apid,