hingi lang po sana ako ng advice regarding sa child abuse case ko sa barangay. actualy po nagkasundo na po kami ng mother ng bata dahil naipaliwanag ko na po sa kanya na aksidente ang nangyari. kaso po nakapagpablotter sya sa barangay before kami magkasundo. nagulat na lng po ako nung sinabi ng mother ng bata na ayaw isara sa barangay ng kapitan yung kaso kahit nagkasundo na kami. tanong ko lang po sana kung puwedeng maging complainant ang barangay chairman sa womens desk kahit hindi naman nagrereklamo yung parent ng bata? (FYI lng po pinagiinitan po kasi yung family namin dito sa barangay dahil kinakalaban namin yung pasugalan ng kapitan namin dito sa barangay.) kaya alam ko po na gusto nyang palalain yung kaso ko dahil kinausap ako ng mother ng bata dahil pinipilit daw xa ng kapitan na ituloy yung kaso laban sa akin. sana po matulungan nyo ako dahil wala naman talaga akong kasalanan at wala rin po kasi akong alam sa batas kaya natatakot po ako na anytime baka kasuhan ako ng kapitan.
Hope you can help me po.