Magandang araw po, ako po si Paulo, pero hindi po ako ang nangangailangan ng tulong, kundi ang kaibigan ko.
Ang kaibigan ko po ay 28years old na po, walang trabaho at kasalukuyang naghahanap. eto po ang kwento nya.
Noong may trabaho pa po sya, hindi pa po napunta ung tita nya sa bahay nila sa San Pedro, pero nang maghiwalay po ang mga magulang, pinatira po ng kanyang ama ang kanyang tita, itago po natin sa pangalang Tita Emma.
Eto pong si Tita Emma ay walang trabaho, kumbaga sya dapat ang tumatayong guardian ng kaibigan ko, pero hindi po ganun ang nangyari.
Naging impyerno na po ang buhay ng kaibigan ko, kasi lahat po ng sahod ng kaibigan ko, kinukuha ni Tita Emma, walang itinira kahit singko, lahat as in lahat po talaga.
Nung mawalan sya ng trabaho, dun po nagsimula ung pagmamaltrato sa kanya, inaalipin po sya sa pamamahay nila, yun pong tipong gabi na ay pinaglilinis pa ng bakuran, tapos isang beses po, nagkasakit sya kasi pinaglinis daw po sya ng bubungan habang umuulan, pinatatanggal daw ang barado sa aluran ng tubig kahit wala naman pong nakabara. Tapos po, may mga personal syang gamit tulad ng camera, cellphone, at ano pang gadgets na kinuha ni Tita Emma at ibinenta sa mangangalakal para lang po magkapera. Ang sabi naman po ng kaibigan ko, ung perang nakukuha naman daw po ni Tita Emma ay ipinang-iinom lang po gabi-gabi.
Yung mga perang ipinapadala po ng kanyang ama para sa kanila ay inaangkin pong lahat ni tita emma, kumbaga sa pagkain, sya lang ang kakain, at hindi pwedeng sumabay ang kaibigan ko. Tapos po kapag nagutom po sya at nagluto ng pagkain, sinisigawan po sya at sinasampal kasi pinakialaman po nya ung mga pagkain na dapat po sana ay pinaghahatian po nilang lahat.
Pinapahirapan po talaga ung kaibigan ko na parang hindi kamag-anak, binubugbog, sinasampal, sinisigawan at pinapahiya sa harap ng maraming tao.
Ipinayo ko po sa kanya na bumukod sya ng tirahan kapag nakahanap sya ng trabaho, at sinabi nya na susundin po nya ang payo ko.
Nung makahanap na po sya ng trabaho, dun po sya nag-ipon, kahit humihingi ng pera si Tita Emma, hindi po nya binibigyan. Isang beses po, habang natutulog sya ay kinuha daw po ni Tita emma ung debit card kung saan dun nya kinukuha ang kanyang sahod. Nakita na lang po nya paggising nya na andami pong pinamili ung tita emma nya na personal na gamit. Nung tinignan po nya ung debit card nya, nasaid po ang halos 5000 nyang sinahod sa loob ng isang buwan, at ang kalahati pa daw ay naipambayad na nya sa kanayng inupahang apartment at lilipat na po sya dapat. Kaya naman po nanlumo po talaga sya kasi una po sa lahat, hindi na po sya makakapasok sa bagong trabaho nya na katatanggap lang po nya dahil sa walang na talaga syang pera. Pangalawa po, kung hindi po sya makakapasok sa trabaho nya, ay wala po syang pagkukuhanan ng perang pambayad sa inupahan nyang apartment. Kaya naiyak na lang po talaga sya habang magkausap po kami, at itinatanong nya sa sarili nya kung bakit ganoon daw po ang naging buhay nya.
Ngayon po, kasalukuyan po syang nakatira sa apartment nya, nag-iisip ng paraan, kahit alam nya sa sarili nya na wala na syang mahahanap na paraan, dahil una, ang mga kamag-anak po nya ay nasa cebu, pangalawa po, mas kinakampihan po ng kapatid nyang babae at ng kanyang ama ang tita Emma nya.
Nitong Lunes[february 6] po, sumugod po ung tita Emma nya sa apartment nya [na hindi po nya sinabi kung saan sya nag-aapartment pero may nakakilala daw po kaya nalaman]. Kinuha po lahat ng mga gamit nya, mula po sa Dura-box na naglalaman ng importanteng gamit nya, hanggang sa wallet nya na may lamang debit card at pati po ang alkansyang inipunan po nya para sa emergency na lakad kung meron man po.
tapos po, nung Wednesday[February 8] po ng gabi, bigla po syang nagtext sa akin na nasa baranggay daw po sya at pinagtutulungan ng kapatid nya at ng tita emma nya, inaangkin po nila ung cellphone na last choice po nyang isanla para lang po magkapera at makahanap ng bagong trabaho, naterminate po sya sa trabaho nya dahil po sa AWOL nya.
Above all po, sinabi po nya na hindi po nya kayang labanan ang tita Emma nya dahil sa kadugo nya po ito at ayaw po nyang makasuhan ng Violence Against Women kaya po hinahayaan na lang po nya.
Nagpayo po ako sa kanya na ipaBlotter po nya ung tita Emma nya para kapag inaway po ulit sya at sinaktan, pwede syang manlaban at magsampa ng kasong physical injury at tresspassing dahil sa pagpupumilit ng tita emma nya na pumasok sa apartment na hindi naman po nya pinahihintulutan.
Nais ko lang po sanang humingi ng tulong, ano pa po ang pwede kong maipayo sa kanya para makaiwas na po sya sa pagmamaltrato, pananakit at pagpapahiya sa kanya. Konting tulong ang inabot ko pero hindi pa din po ito sapat para mabigyan sya ng proteksyon laban sa Tita Emma nya na kinukuha ang lahat ng pinaghihirapan nya.
Sana po matulungan nyo akong matulungan sya. Salamat po.