Hello po. Mag-iinquire lang po, nag-apply po ako for a job position sa company wherein kelangan po ipadala sa Canada for training.Then nung ok na po visa and all, inadvise po ako na hindi na ako kasama dahil me naging problema about sa pag-iissue nila ng credit card sakin as part of the allowance. Meron po kasi akong mga past obligations pa na hindi ko pa nase-settle. Tapos bigla na lang po nila sinabi sakin 2 days before ng flight na hindi na ko makakasama sa ipapadala sa training. Sabi nila, management decision daw po kasi nga dahil parang hindi nila maipapagkatiwala ung ibibigay na cash allowance. Pwede ko po ba sila idemanda? Hindi ba discrimination yun, personal problem yung issue pero ina-associate nila sa trabaho. Please advise if me pwede ba ako gawin, pwede ba ako mag-file ng complaint against them. Ngayon sinoli nila passport ko with a cancelled visa on it, nakalagay "cancelled without prejudice", if ever po ba, pangit ba sa record yun?