Forged po ang signatures naming magkakapatid sa partition agreement. Naipasubdivide po ang lupa at nailagay sa pangalan ng tiyahin ko ang lote na may ancestral house.
Doon na po kami lumaking magkakapatid. 50 yrs old na po ako. Dinemanda po kami ng ejectment/unlawful detainer at natalo po kami.Pinagbabayad pa po kami ng monthly rental.
Lola at lolo ko po ang nagpagawa ng bahay, may mga improvements na po ako.
Parte po ito ng "Maysilo Estate" at napatitulohan niya at the time na hindi pa pwede dahil pending pa ang kaso sa Maysilo Estate.
Ang desisyon ng lower court-eject at pay ng monthly rental kasi ang titulo ay nasa pangalan ng tiyahin ko.
Tama po ba na singilin kami sa monthly rental from the time ng second demand letter na ginawa niyang final demand letter?
May laban po ba kami kung iaapeal ko ito?
Ano po ba ang maiiadvise ninyo sa akin?
ika 15th day na po sa monday, feb 13, sa within 15 days to vacate.
please reply po. thank you
Last edited by yellowbell on Sat Feb 11, 2012 12:02 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : update po at mas malinaw po kaysa sa dati)