Gusto ko lang po magtanong kung may magagawa po kmeng aksyon para sa isang doctor na nag issue ng resibo na hindi inilagay ang tamang amount ng binayad namen sa kanya para sa kanyang professional fee. Last Dec 26, 2011 nadischarge po ang anak ko sa isang ospital sa QC. Nagbayad po kme ng 40k plus para sa hospital bill at 10k plus para sa professional fee ng doctor. sabi po ng resident on duty dun daw namen ibigay sa kanila ung PF gawa ng nasa abroad ang Neonatologist na tumitingin sa anak ko.Binigyan po nila kme ( RESIDENT ON DUTY) sa Nursery ward ng acknowledgement receipt. Tama sa binayad namen na 10k. Humingi po kme ng official receipt gawa ng irereimburse po namen sa philhealth kaso sa January pa daw po ang balik ng Specialistang doctor at dun na lang daw kame humingi ng OR.Inasikaso na po ng asawa ko ung pag file ng philhealth rembursement at inaantay na lang po namen makakuha kame ng OR dun sa doctor. Last friday po pinuntahan ng asawa ko sa clinic para kunin ung resibo pero imbis po na 10k ang kanyang inisyu na resibo 5k lang ang kanyang iniligay. Ayon sa doctor 5k lang daw ang ilalagay nya dahil sya pa daw magbabayad ng 12% VAT kung gagawin nyang 10k. Hindi na po naka reklamo ang asawa ko dahil naiwala rin po namen ung unang resibo na galing sa ospital. Masama po ang loob namen dahil hindi sya naging tapat..Wala pong nagawa ang asawa ko kundi kunin na lang ang resibo para matapos na namen ung inaayos sa philhealth.Pero sa totoo lang po masama ang loob namen dahil ndi nya inilagay ang tamang amount sa aming binayad na pera. Hindi man po namen maihabol ung tamang resibo sa philhealth umaasa po kmeng mag karon ng aksyon para sa Doctor na ito na mali ang ginagwa sa pagbibigay ng resibo.sa tingin nyo po may magagawa ang BIR sa gantong sitwasyon?