Gusto ko lang po malaman kung pwede po ba akong pwersahin ng aking asawa na magbigay ng child support sa aking dalawang anak gayung itinakas nya ito sa pag-aaruga ng aking ina?
One year ago bigla na lamang inintriga ng aking asawa ang dalawa kong anak sa aking ina. Sa kadahilanan na mas makukuha ng mga bata ang suportang minimithi nila. Makalipas ang 6 na buwan nalaman namin na 6 na buwan itong buntis sa ibang lalaki. Naisip namin na marahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nya ibinigay ang mga bata. Dahil dito ay umuwi ako ng bansa para nagfile ng reklamong adultery laban sa kanya at kasalukuyang dinidinig sa quezon city. Sa ibang banda, ginawa namin ang nararapat para sa mga bata, pinag-aral ko sila sa private school at naibigay ang iba pa nilang mga pangangailang. Matapos ang lahat ng ito ay basta na lamang itinakas ng aking asawa ang mga bata kamakailan lamang. Ngayon, nakatanggap ang aking ina ng subpoena sa kasong child abuse sa aking mga anak na pawang walang katotohanan. Ngayon sa aming palagay ay ginagamit ng aking asawa ang aming mga anak bilang pananggalan sa kasong aking isinampa sa kanya. Binigyan nya pa ako ng babala na sakaling bumalik ako sa bansa ay di na ako makalalabas pa para magtrabo bilang OFW.
Sa inyo po bang palagay, ano po ba ang nararapat kong gawin para karapin ang problemang ito.
Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong maipapayo, salamat po!