Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

all about Land

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1all about Land Empty all about Land Thu Jul 08, 2010 10:24 pm

Betty


Arresto Menor

Hello po, i am hoping you can help me or should i say advice me in what to do. Gusto po sana naming bumili ng maliit na lupa kasi pinapaalis na po kami ng may ari ng lupa na tinitirhan namin. Problema nga lang po eh natatakot po kami bumili ng lupa kasi wala po kaming idea kung anu-anu ang dapat naming alamin bago bumili, anu-anu ang mga dapat gawin kasi po takot nga kami maloko at matangay ang aming maliit na pera na pinag-iponan namin ng matagal na panahon, mahirap lang po ang aming pamilya pano na lang po kapag naloko kami kaya hinihingi ko po ang inyong tulong. Sana po ay ma guide nyo po kami kung anu ang tama naming gawin. Hihintayin ko po reply nyo. Maraming Salamat po.

2all about Land Empty Re: all about Land Sat Jul 10, 2010 8:44 am

attyLLL


moderator

I recommend that you purchase titled land or from a respectable developer. Before purchasing, do your due diligence research.

Titled Land
-visit the property and inspect. interview any occupants whether the are the owner or why they are staying there. be wary if someone other than the owner is occupying the property
-get a copy of the title and verify with the register of deeds one day before finalizing the transaction by getting a certified true copy
-verify with the assessor's office if the realty tax payments are up to date
-verify the identity of the seller. be wary of sellers with SPAs
-if you can afford it, get a geodetic engineer to verify that the technical description on the title matches the property

Realty Developer
-Research on the reputation of the developer
-Get a copy of their License to Sell and verify with the HLURB

good luck!

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3all about Land Empty Re: all about Land Sat Jul 10, 2010 11:46 pm

wolverine2

wolverine2
lawyer

Baka hindi naintindihan ni ate Betty ang napakumpletong payo ni attyLLL. Pilitin ko na lang pong intranslate sa Filipino:

Iminumungkahi po ni attyLLL titulado ang lupa na iyong bibilhin o kaya bumili mula sa isang kagalang-galang na Realty Developer tulad ng halimbawa ng Sta. Lucia Realty.

Kung tituladong lupa po inyong bibilhin, narito ang po inyong mga nararapat gawin:

1)Dalawin ang lupain at magsiyasat. Kausapin kung sino man ang nakatira doon at tanungin kung bakit sila nandoon o kung sila ba ang may-ari? Mag-ingat at maging alisto lalo na kung ang nakatira ay hindi ang may-ari;

2)Kumuha kayo ng kopya ng titulo ng lupa at siyasatin kung ito ay tunay mula sa Regisrty of Deeds bago gawing pinale ang unamang kasunduan;

3)Siyasatin din mula sa Assessor's Office kung tama at nasa panahon ang pagbabayad ng buwis;

4)Alaming mabuti ang pagkakakilanlan ng nagtitinda. Mag-ingat lalo kung ang nagbebenta ay hindi mismo ang may-ari at siya lamang ay armado ng Special Power of Attorney;

5)Kung inyong makakaya, kumuha po kayo ng isang Geodetic Engineer para alamin kung ang Technical Description na nasasaad sa titulo ay nagtutugma sa pagkakalarawan ng lupain.

Kung bibili po kayo sa isang Realty Developer, saliksikin ang reputasyon nito ang alamin. Kumuha kayo ng kanilang Lisensiyang Magbenta at alamin mula sa opisina ng HLURB kung ito ay tunay.

Pasalamatan nyo po si attyLLL.

sifone

4all about Land Empty Re: all about Land Sun Jul 25, 2010 7:49 pm

Betty


Arresto Menor

[quote="wolverine"][justify]Baka hindi naintindihan ni ate Betty ang napakumpletong payo ni attyLLL. Pilitin ko na lang pong intranslate sa Filipino:

Iminumungkahi po ni attyLLL titulado ang lupa na iyong bibilhin o kaya bumili mula sa isang kagalang-galang na Realty Developer tulad ng halimbawa ng Sta. Lucia Realty.

Kung tituladong lupa po inyong bibilhin, narito ang po inyong mga nararapat gawin:

1)Dalawin ang lupain at magsiyasat. Kausapin kung sino man ang nakatira doon at tanungin kung bakit sila nandoon o kung sila ba ang may-ari? Mag-ingat at maging alisto lalo na kung ang nakatira ay hindi ang may-ari;

2)Kumuha kayo ng kopya ng titulo ng lupa at siyasatin kung ito ay tunay mula sa Regisrty of Deeds bago gawing pinale ang unamang kasunduan;

3)Siyasatin din mula sa Assessor's Office kung tama at nasa panahon ang pagbabayad ng buwis;

4)Alaming mabuti ang pagkakakilanlan ng nagtitinda. Mag-ingat lalo kung ang nagbebenta ay hindi mismo ang may-ari at siya lamang ay armado ng Special Power of Attorney;

5)Kung inyong makakaya, kumuha po kayo ng isang Geodetic Engineer para alamin kung ang Technical Description na nasasaad sa titulo ay nagtutugma sa pagkakalarawan ng lupain.

Kung bibili po kayo sa isang Realty Developer, saliksikin ang reputasyon nito ang alamin. Kumuha kayo ng kanilang Lisensiyang Magbenta at alamin mula sa opisina ng HLURB kung ito ay tunay.

Pasalamatan nyo po si attyLLL

thank you din sayo.

5all about Land Empty Re: all about Land Sun Jul 25, 2010 7:57 pm

Betty


Arresto Menor

Pasensya po atty. LLL nagyun lang po ako nagkaroon ng free time. Salamat po ng marami sa inyong payo. Follow-up tanong lang po, ano po ang next step if may title naman po ang lupa at ang mga papeles nito ay malinis naman. Kung babayaran na po namin, anu-ano po ang dapat gawin kaagad? anu-ano po ang mga babayaran? paki guide po kami kung ano gagawin namin. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong taos pusong pagpayo sa amin.

6all about Land Empty Re: all about Land Sun Jul 25, 2010 8:44 pm

attyLLL


moderator

please look back at the steps we outlined before.

after you have followed all of them, then your next step is to draw up a deed of sale

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum