31/M/ riyadh ako ngayon. last year nag pasya akong makipag annul sa asawa ko, kasal kami ng 7 years, pero after 1 year ng kasal pinapili niya ako kung ako ang aalis o siya. may matino po akong trabaho nun.
ang gusto ng asawa ko, siya ang mag file ng annulment basta bayaran ko daw ang annulment fee na 180thousand at sumunod sa gusto niya where pumayag ako. sustento sa bata ang habol niya at wala akong problem dun. ang hiling ko lang din dalhin ang anak ko sa lolo at lola niya maski 2 beses isang linggo.
jan. 25 ng ifile ang annulment at kasabay nito nag file din ng application ang asawa ko papuntang israel, maraming papel ang kailangan kaya tinulungan ko din siya. simula april, may at june may hearning nag iwan siya ng SPA sa kapatid niya tanggap daw ng attorney yon at sapat na rin para matuloy ang annulment. Sinabihan ang kapatid ko na wag na din akong umapela para matapos na din kung saan yun din naman ang kagustuhan ko.
jun 29 nag mag hearing ulit. Ang sabi ngayon ng asawa ko kelangan ng judge ang appearance niya bago mag pasya . nasa Israel nap o siya ngayon, at iniipit niya ako. Gusto niyang padalhan ko siya ng pamasahe para makauwi siya ng march 2012 kung gusto ko daw tapusin niya yun. At kung hindi naman daw ako magpadala ng pamasahe pauwi ay 3-4 years daw ang hintayin ko para mag appearance siya dahil may utang daw siyang 350thousand na ginamit niyang placement fee para sa Israel.
Gusto ko po sanang malaman kung pwede akong mag file ng annulment laban sa knya.