Need some advice.
Gusto ko pa ikonsulta kung ano po ang gagawin ko kung lagi po akong tinatakot ng asawa ko na uuwi na lng sya sa Romblon pag nainis sa akin, ibig nya pong sabihin pag nasa probinsya sya hindi na sya magsusustento sa mga anak ko. Alam po kasi nya na takot akong hindi masustentuhan dahil mahihirapan akong buhayin mga anak ko. Kakahiwalay lang po namin ng asawa ko dahil sa third party. Binawasan nya ang sustento sa mga anak ko para mapadalan din nya yung babae nya na nakatira sa Romblon. Ang asawa ko po ay karpintero sa construction company sa Batangas. Pag uuwi po sya sa Romblon para magbakasyon hindi sya nagbibigay ng sustento at ginagamit nya pong pamasahe at panggastos nila ng babae nya, wala po silang anak pero yung babae meron. Ang isa pa pong problema ang asawa ko ay may 2 anak pa sa una nyang asawa, kasal sila at hiwalay pero hindi pa po sila annul at ginawan lang din ng paraan pra makasal sila pero nakarehistro din po ito. Hindi nya rin nasusustentuhan ang mga anak nya duon at ito ay nasa pangangalaga ng kanyang kapatid. kasal din po sa akin ang asawa ko at kami po ang nakalagay as beneficiary nya sa SSS nya. Lagi nya katwiran na Muslim sya kya OK lng magdagdag ng asawa. Ano po ang gagawin ko para matigil na po ang pananakot nya at ma-obliga syang sustentuhan mga anak ko kahit san man sya nanduon? Pwede ko po ba kasuhan sila ng babae nya?
Marami pong salamat nawa’y mapag ukulan nyo po ng pansin ang aking problema.