Teacher po si mother ko, may utang sya sa Robinsons Bank way back 2013 for 100k. Ganito po nangyari, so ang ATM (payroll/landbank atm) nya noon e nasa robinsons bank. Ang banko ang nagwiwithdraw ng payment ni mama sa loan dun sa ATM (dun pumapasok sweldo nila mother). Nung nagpalit ng ATM ang landbank yung EVM/Chip, hindi binigay ni mother yung bagong ATM. Ang ginawa nya na lang, nagdedeposit sya ng tig 1k monthly dun sa lumang atm na nasa robinsons bank. 4k monthly kasi talaga dapat ang bayad ni mother kaso hindi naman kaya dahil nung mga panahon na yun, at ang dahilan din kaya nagloan si mama dahil nagkasabay sabay na 3 kami nag aaral ng mga kapatid ko, nagkataon pa na naoperahan si mother (cyst sa matres) at naconfine din yung bunso kong kapatid at yung kapatid ni mother (tita ko) kaya ayun hindi na kinaya bayaran ni mama yung 4k monthly. Kung tutuusin lang din nabayaran na ni mama yung principal balance, interest na lang binabayaran nya na lumobo na. Ngayon, nagtetext at tumatawag na nga itong mga "law firms" kesyo sasampahan na daw sya ng kaso, etc., e si mother di na alam gagawin nya. Pwede ba sya kasuhan ng fraud or estafa dahil hindi nya binigay sa robinsons bank yung bagong atm na may chip? nagbabayad naman si mama monthly pero maliit na halaga nga lang. hindi rin naman kami lumipat ng bahay or lumipat ng trabaho. Sana may mag respond. Maraming salamat po