Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

asking for legal advice, please read.

Go down  Message [Page 1 of 1]

1asking for legal advice, please read. Empty asking for legal advice, please read. Fri Jun 29, 2018 7:46 am

ac01


Arresto Menor

may katrabaho pa kaming kumuha ng pera, e dinamay po kami
lalo na po ako.
Kawork ko po c H siya po ang kumuha ng pera, siya po ang Cash in Voucher Staff na pansamantalang pumalit kay Ate A, nagrerecord ng buong bayad ng tenant.
ako naman po ang Official Receipt Staff, ang unang nakakareceive ng bayad ng tenant, pero rent lang po ang nirerecord ko hindi po buo.
pagkatapos ko po mairecord ang rent at mabilang ang pera ibibigay ko sa Cash in Voucher Staff ng buo ang pera at bibigyan niya ako ng cash in voucher number pero hindi po siya nagbigay, nagtiwala po naman yun pala may balak po siya.
Noong una po hinihingi ko kay H ang Cash in Voucher pero sabi niya hindi niya alam kung saan itinago ng katrabaho naming si Ate A dahil hiniram inutang daw ang pera at ibabalik din naman daw agad pagbalik, naniwala naman po ako nagtiwala.
Nang tumagal akala po okay na, hindi na po kasi ako nag-update.
Pagdating ng January 2018 madami po siyang hindi ginawan nga cash in voucher, sabi kasi niya noon to follow na lang hanggang lagi ko po siya binibigyan ng listahan para po sana maibigay niya na at mairecord ko ang CIV# sa Official Receipt, pero wala pa rin siya maibigay at aayusin daw pa po nila ni ate A.
Tapos isang araw sinabi niyang malaki na ang utang ni ate A na pera, yun daw po yung mga walang Cash in voucher Number sa Official recepit ko, naniwala po ulit ako kay H,
hanggang sa hindi na po siya pumasok, nagtetext na lang po siya.
At isang araw po tumawag sa akin c H at sinabi niyang milyon na ang nautang ni ate anna sa kompanya, gusto ko po sanang sabihin na sa mga boss ko pero ang sabi ni H kapag sinumbong ako daw po ang pagbibintangan ni ate A at madidiin.
Hanggang sa nalaman ko pong niluluko niya lang po pala ako ni H, kapag kasama niya ang ibang co-worker ko ako po pala ang tinuturo niyang umuutang o kumukuha ng pera, pero kapag kami lang dalawa ni H ang magkasama si ate A ang tinuturo niya.
Nag-audit po ang boss namin at malaki ang nawalang pera mahigit 2 million po.
Nagset ng meeting po ang mga boss na magreport c H,yung time na yun nasa harap siya ng atty. ng kompanya inamin niyang siya talaga ang kumuha ng pera, pero hindi niya po inamin lahat mga mahigit isang milyon daw lang po ang alam niyang nakuha niya.
Nakiusap c H na bayaran niya na lang ang nawawalang pera,
Kaya gumawa ang boss po ng terms of payment hanggang sa wala pa rin po siyang naibabayad ngayon kaya gusto po nilang maikulong siya.
June 27 po pumunta kami sa office ng Atty ng boss po namin para may itanung, magreresign na po sana ako kasi ang mama ko naatake sa puso e kailangan ko pong alagaan muna, Ang kaso sabi po ng atty nila maidadamay po kami lalo ako, natatakot po ako dahil wala naman po ako kinuhang pera, ang pagkakamali ko lang po gaya ng mga co-worker ko e hindi kami nagsabi o nagsumbong po agad na may maling nangyayari.
anu po ang dapat ko pong gawin?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum