Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unpaid bank loan

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1loan - Unpaid bank loan Empty Unpaid bank loan Wed Apr 04, 2018 11:23 pm

Rhenz Samnari


Arresto Menor

Hi good morning po, sana po may attorney na makapagbigay ng advise po sa problema ng tatay ko,nagaawa na po ako saknaya wala naman po akong magawa at wala rin akong trabaho .Yesterday po may natanggap sila sa bahay na final demand letter galing sa abogado ng ps bank ,12 - 15 years ago nagloan po ang tatay ko ng 20,000 sa ps bank ngayon po nasa 130,000 na.Hindi po kayang bayaran ng tatay ko yung amount na yun ,wala po siyang property na pwede niyang ibigay sakanila .Hindi po nakapag tapos ng pagaaral si tatay ang sahod niya po ay sapat lang sa pangagailangan ng mga kapatid ko na mga nagaaral pa.
Ano po kaya ang maari naming gawin ?
Ano po ang mga pwedeng mangyari sa tatay ko?
Pwede po ba kami makaiusap sa bangko na kahit kalahati nalang ang bayaran namin?
Sana po talaga may Lawyer na makakasagot ng aking mga katanungan dito. Salamat po

2loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Thu Apr 05, 2018 10:08 am

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

kausapin ninyo po ung abogado ng nagpadala ng letter. then sabihin ninyo ung kakayahan ninyong magbayad. alam naman po lahat ng mga abogado yan po kung madadala po yan sa kaso at manalo sila, mga property lang ng tatay mo ang makukuha. hindi makukulong ang tatay mo.

3loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Thu Apr 05, 2018 12:09 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

nung nangutang ba ang tatay mo ay nagissue sya ng cheque? kung hindi naman at civil case lang ang pwedeng ikaso sa kanya ay hayaan nyo na lang magsampa ng kaso ang bangko. kahit pa kasi makakuha sila ng favorable judgement sa korte ay wala din magagawa ang korte kung wala talaga ari arian or pangbayad yung tatay mo.

4loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Thu Apr 05, 2018 7:23 pm

Rhenz Samnari


Arresto Menor

Kailangan po ba ng tatay ko na maghanap ng abogado niya?Wala rin naman po silang property na makukuha kay tatay at wala naman siyang naipundar..Ang alam ko po hindi siya nag-issue ng cheque.

5loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Thu Apr 05, 2018 7:51 pm

attyLLL


moderator

wala syang pag-aari? walang lupa o bahay na nakasanla? walang tseke. pag ganun walang makukuha yung bangko. di naman krimen ang di magbayad ng utang

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

6loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Sat Apr 07, 2018 2:32 pm

poor_me


Arresto Menor

I need an advice also please po. Someone from SP Madrid has been continuously calling and asking me to settle a loan na way back in 2005 pa. I honestly do not remember if I have paid in full pero I am assuming that I have kse ang last payment ko daw is 2008. First time nila tumawag sa kin. SP Madrid asked for my email address. I gave it na lang kse kung saan saan na sila tumatawag sa kin. Sinabi ko din sa kausap ko, pag ako nawalan ng work, lalo akong di makakabayad sa sinasabi nilang utang ko. I told them to stop calling me. Yesterday, SP Madrid sent me a bill via email, nakalagay dun na ang outstanding balance ko is 38K+ tapos ang total amount due is 478K dahil sa interest and penalties. Binigyan pa ako ng amnesty program and kelangan ko masettle on or before the 13th of this month. I don't know what to do now. I have just started working and I am so broke. Kahit magkano wala pa akong naipon kse kakastart ko lang. I don't know what to do. Please help me.

7loan - Unpaid bank loan Empty Re: Unpaid bank loan Sat Apr 07, 2018 2:41 pm

poor_me


Arresto Menor

Is it wise to email SP Madrid back? Baka lalong mapasama. Natatakot ako baka mawalan ako ng work dahil sa kanila :'( Please help me

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum