Hi!
Good morning!
Im Carlos po from Iloilo. I need po your guidance and suggestion in legal way po. Since mahirap po sa akin mag explain ng
complicated life ko sa marriage at para malinaw po sa inyo, I'll tell you the story way back po. Gusto ko na po sya
kasi matapos completely and I'll be at peace of mind kahit kaunti.
Year 2002/2003 - I was married to Kiza (not the real name). I was only 19-20 years old that time. Sabihin natin
biglaan din ang kasalan after 3 months facilitated by her mother. Nagpirma at nag agree rin parents ko since
kailangan ko pa ng parents consent. I thought that was a new life. Hindi pala.
Year 2004 - Our daughter was born Andrea (not the real name) - At first ok lang and her mother provide us with
everything bahay na matirhan, business at puhunan. Sila may kaya, ako wala. Independent na ako that time since
nagwowork na ako at 18 years old and out of college. At wala na rin gabay ng magulang kaya nasunod pa rin yung
maling desisyon.
Year 2006 - Naghiwalay kami because of uncertainty. Due to many insult galing sa kanya since sabit lang ako sa
family nila. It means dahil na rin sa ego ko. At sya rin palaging lumalabas gabi gabi. It means parang kanin lang
sya na pilit ko iluwa. We tried to patch up 3x pero di talaga nagwork out and I decided to leave and umuwi sa
parents house ko. Lumayas na rin ako after a month after even my family iba ang tingin sa akin. In short talagang I
cut off my communication with my parents, relatives and even sa kay Kiza at sa anak namin.
Year 2006 - 2010
Iniiwasan ko na magcommunicate sa kanila. I just want our marriage end if kung ganun lang kadali. Pero naging ok na
rin yung relationship namin ng parents ko around 2008. once in a while nagcommunicate na rin ako sa mother ni Kiza
at napagkasunduan na ipa annull ang kasal and which I know hindi madali. at idadaan muna daw sa simbahan yung
proceso ng annullment. May binigay na papel na pipirmahan pero since takot ako mag pirma pirma ng papel baka anu
nakasulat dun at magulat na lang ako may mga obligasyon pa ako, in short di natuloy yun.
Around 2010 - 2011 nabuntis si Kiza sa lalake na kinakasama nya.(late ko na nalaman to, around 2012/2013 thru fb).
Ang bata ngayon is babae which is aorund 6 years old na.
Then na ako mag decide na since nagawa nya na rin magpabuntis sa iba at live in na (Which wala na rin ako habol
since pinagsisihan ko ang marriage na yun), I deciced to get involved na talaga in relationship. Since sinabi ko patas na lang kami except na lang if manggugulo sya. Aminin ko, may mga
relationship ako while hiwalay kami pero hanggang gf lang since alam ko ang consequences since hindi pa kami
legally separated. May trabaho ako but not enough pa rin sa sarili ko since Iloilo rate. in short pakunti kunti lang talaga ang bigay ko na financial support sa anak namin na si Andrea.
Year 2015 - All is quiet na rin. Then nakakilala ako ng babae from Davao while working in Iloilo thru online and till now nagsasama na kami. In short nagkaroon kami ng daughter rin. Pero ito na talaga ang babae sinamahan ko since seryoso naman ako sa kanya. Ok na rin yung work ko dito sa Manila. And nagsastart na rin ako ng bagong buhay ko. Pero hindi ko dinideny na kasado ako even sa mga papel na pinipirmahan ko at alam rin ng partner ko ngayon anu yung past ko.
Around late 2016 - nagcommunicate na itong si Kiza sa akin at nag open up na asikasuhin ko na daw ang legal separation and nagdemand ng sustento sa anak namin na si Andrea, at first naguilty rin ako since obligasyon ko nakalimutan ko na. I decided to give P1,500 per month. Pero since ang work ko is kaunti lang talaga sahod ko if budgetin ko sa sarili ko at sa daughter ko ngayon sa partner ko naging kaunti na lang padala ko. (Ito rin ang time na nabalitaan ko nanganak na naman si Kiza ng lalake sa ibang lalake, a months pala sa ngayon) nagrereklamo na si Kiza, I feel harash sa mga sinasabi nya, Idaan na lang sa legal na paraan about sa sustento. If makarinig kasi ako ng legal or case, iniisip ko kaagad ang gastos at oras na masasayang since Manila ako at Iloilo sya. Recently di ko na sya pinapansin message nya since napipressure ako. I feel parang kinakwartahan lang ako kasi nagcommunicate lang sila sakin kapag sahuran na. Iba ibang account ang gamit. even pretending to be Andrea sa fb at nanghihingi ng pera. Pero kung anu maririnig ko na usapan na binbi brainwash yung anak namin na si Andrea. Syempre ngayon, as I would like to live peacefully na with my new family, naisip ko na pwede ko rin kunin yung daughter namin para sure talaga ako ng yung pinapadala ko is napupunta sa kanya at makasama ko rin sya from the long time at makabawi man lang. At tanggap naman ng partner ko na makasama namin sya just in case. Pero iniisip ko hindi ko rin sya kinuha dati kasi ayaw ko rin malungkot nanay at lola nya. Mas lalo na ngayon malaki na sya at sa side nila talaga. I just want is maayos ito ng hindi na rin ako mahahassle. Sa ginagawa nya kasi sa ngayon, sa totoo lang makarinig lang ako ng kaso/case, hate ko talaga ang word na yan. many people use that word just to manipulate me before kaya deep inside nagpapanic ako. I just want a legal advice na straight through.
Pasensya na po sa hinaba haba po ng kwento ko, gusto ko lang masolve ang following:
1. Anu ang kasong maexpect ko galing sa kanya regarding child support? What it takes if magpadala na sya ng demand letter? anu ang maapektuhan both side?
2. Legal separation - pano ako magfile since dito ako sa Manila at dun sya sa Iloilo.
3. Wala naman problema sa akin magsustento basta alam ko lang kung anu talaga ang tama na hindi na ako mag iisip na kinakwartahan nya lang ako since iisipin ko pa lang 3 na anak nya sa ibang lalaki at walang mga tatay, imposible ng sa anak ko lang talaga mapupunta ang pinapadala ko. At anu maging effect nito sa partner at illegitimate daughter ko just in case mag agree ako or manalo sila sa demand nila sa akin in regards of child support?
4. if ever na maisipan ko later on na sa akin na lang yung daughter ko kasama namin dito ng partner ko at isa ko pang daughter sa Manila, anu po yung verdict? possible po ba? Which I know gagastos din ako if sakali. Ayaw ko talaga maging magulo yung buhay buhay namin pero pag napush po ako, matagal na rin kasi akong naive. Naisip ko na kailangan ko rin lumaban kahit paminsan minsan,
Salamat po sa pagbasa ng mahaba ko na kwento. Pasensya na po at free legal advise lang ang kaya ko sa ngayon. Im already 32 years old na pero I am still takot sa mga bagay bagay.