I'd like to seek legal advice about my situation.
Nag invest ako ng USD sa online trading. Ang company is binaryonline.com. Initially, nag-invest ako ng 250 USD then may tumawag na broker pinag-add nya ako ng another 5000 USD. Nag-agree naman ako na mag-add ng investment. May pinirmahan akong document para ma-charge ung credit card ko. And na-charge ung credit card ko ng 5250 USD.
Bago lang ako sa online trading kasi nagtry lang ako dahil gusto ko rin additional income. Pero hindi ko naman akalain na magiging nightmare ung experience ko.
Late na ako nakapagresearch tungkol dun sa company. Hindi sila regulated. Hinihingi ko ung broker license number nila and regulating body pero hindi pa nila maibigay. Now, nagsend ako ng email sa company requesting for a refund nung money na ininvest ko. Ang sinasabi nung broker kailangan ko daw magtrade kasi nakapag-reserve na sya at the same time magbaviolate daw sila ng AML pag nag-refund sya. Hindi ko sure kung tama ba ang sinabi nya na violation ng AML ang gagawin nyang refund. Ung pera kasi ibabalik din sa CC ko na ginamit pangsettle nung transaction. Ang understanding ko kasi violation ng AML is malaking amount na hindi mo alam kung saan ung origin na pumasok sa account mo which is parang hindi naman kagaya ng case ko kasi ung debiting at settlement account iisa lang.
Pinipilit nya akong mag-trade pero ilang beses ko na sinabi sa kanya na hindi ko na itutuloy at gusto ko na lang makuha ung investment. Sinasabi nya na hindi nya daw hinohold ung pera ko pero hindi nya rin ino-authorise ung refund. Para daw ma-withdraw ko kailangan kong magtrade. Anong tawag dun?
Gusto kong ma-refund ung total investment ko na USD5250. Since hindi nila nirerefund ung pera ko nag-file ako ng dispute sa Citibank for those 2 transactions and pinablock ko ung card ko. Now, nakausap ko ung broker and sabi nila naghihingi ng chargeback ung Visa dahil sa complaint ko.
Ang nangyari ako pa ang nag-agrabyado sa kanila kasi nagkaroon sila ng hindi magandang record sa Visa. Wala naman sa Refund Policy nila na bawala magrefund pag hindi ka pa nakapag-trade.
Pinadalhan nila ako ng document na nagsasabing i-retract ko ung complaint ko kasi kung hindi daw magpa-file sila ng kaso at meron silang mga recording ng usapan namin na in-authorise ko ung transaction.
I'm not denying the fact that I authorized the transaction kasi may pirma ko un. And nagtransact talaga ako nun.
Nagkaroon lang ako ng doubt dahil hindi nila ma-refund ung pera ko and pinipilit nila akong mag-trade. Nasa kanila rin ung copy ng credit card ko back-to-back kaya nagdecide ako na ipa-block sya dahil baka magamit ng hindi ko alam.
Nung kausap ko ung Adam Morgan-Manager daw sya sa London sila based eh. Sumisigaw sya sa akin kasi galit sya na nagfile ako ng complaint at pinag-eexplain sila ng Visa. At sya ung nagsabi sa akin na pirmahan ko ung document na may consent ung transaction para mabalik ung 250 usd na chargeback para magamit ko ung trading account ko dahil pag hindi daw kakasuhan nila ako. Sinabihan ko sya na hindi mo kailangan sigawan nagpalusot pa na ay akala ko hindi mo naririnig.
Naguguluhan na ako kung anong dapat kong gawin. Sana po mapayuhan nyo ako.