Kami po ng aking asawa ay nakasal taong 2013 . Hiwalay na po ako sa aking asawang babae halos isang taon na po ang nakakalipas. Siya po ay kumpirmadong sumama na sa kanya lalake at lumayo na po ng ibang lugar para hindi ko po mademanda ng adultery. Maaring nasa pilipinas po sila pareho ngayon or parehong nasa middle east na as OFW. Wla po makapagsabi ng kanila kinaroroonan.
Ang kanya pong pangangaliwa ay napatunayan po ng ilan sa kanya mga matalik na kaibigan, kanyang ama mismo at kanyang kapatid , at maging ng isang marriage counsilor sa aming simbahan na kami ay sumailalim pa mismo upang maayos po ang aming relasyong mag-asawa.
Sa kabila ng mga payo ng mga kaibigan, kanyang ama at kapatid, at ng aming marriage counsilor ay kanya pa din pinili ang kanyang lalake dahil nahulog na din po ang kanyang puso at masyado na daw po malaki ang lamat sa aming relasyon at kahihiyang naidulot ng kanyang mga nagawa sa akin bilang asawa. Sa ngayon, batid ko po na malabong malabo na maayos ang relasyong naming mag-asawa. Kami po pala ay wala pang anak dahil busy sa mga kanya kanyang trabaho at nagbabalak pa lng po sana isang taon nakalipas.
Ako po ay nalilito if ano po ang mga dapat kong gawin. Ako po ay may mga katanungan at sana po ay ako po ay mapayuhan ng isa sa inyong mga attorney sa forum na ito.
A. Ang kanya po bang pagsama sa kanyang lalake ng tuluyan at pag-abandonado sa aming pagsasama bilang mag-asawa ay pwede po ba makatulong bilang grounds sa annulment? Kung hindi pwede po ito gawing isa sa mga grounds, paano po ito magagamit para maging dahilan pra ma-annul ako sa kasal ng aking asawa.
B. Kung kmi po ay ma-annul. Paano po ang magiging hatian sa mga naipundar. Ako po ay may naipundar na maliit na isang house and lot para sa aming pong mag-asawa. Mag-asawa na po kami ng mabili ko po ito. Ako lang po mag-isa ang gumastos sa lupat bahay na nabili ko para sa aming dalawa. Parehas po kami nagtratrabaho noong mga time na hindi pa nabibili ang lupat bahay at hindi ko po siya hiningan ng kontribusyon sa pagbili ng aming tinitirhan. Doon po sa Titulo ng lupa ang pangalan ko lng po ang nakalagay at may “married to”.
Maari ko po ba siya tangalan ng karapatan sa annulment dahil siya naman po ang sumama na sa ibang lalake at nagabando ng aming relasyong mag-asawa? Hindi na po siya nagpapakita at kung sakali po magpakita at maghabol ano po ang maipapayo ninyo atty para mapawalan ko siya ng karapatan sa kanyang paghahabol kung sakali.
B.1 Sa paghahati po ng ari-arian sa ilalim ng absolute community property . Parte din po ba nito ang paghahati sa kanya kanya personal bank savings account or personal bank time deposit. Kung kami po ay may kanya kanyang sariling ipon ( wala po kaming joint account) mula sa aming mga buwanang suweldo sa aming pagtratrabaho sa aming mga employer, ito po ba ay masasama sa absolute community properties na tinatawag?
Sana po ay masagot ang aking mga katanungan. Maraming salamat po...