Im not a lawyer pero working in the UAE myself, medyo familiar ako sa mga tanong mo so here is my opinion.
Una, sa GCC countries po mas grave na offense ang di pag babayad ng utang unlike sa pinas. maraming nakukulong dahil dito. madalas nagiging criminal case pa lalo kung may inissue ka na blank cheque na nirerequire nila upon application of loan or CC. once encash nila to at nagbounce, kakasuhan ka na nila. pag may kaso ka na sa pulis, delikado ka na tumungtong sa any GCC country since malamang na ipapadeport ka sa bansa kung saan ka may kaso once dumaan ka sa immigrations.
regarding naman sa pag abscond, depende sa previous employer mo kung anong kaso ang ifafile nila sa labor since kelangan nila ireport yung pag abscond mo para macancel yung visa mo. better check with MOL kung black listed ka ba.