Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need advice for adultery case

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1case - Need advice for adultery case Empty Need advice for adultery case Wed Aug 24, 2016 3:30 am

Htey19


Arresto Menor

Hi, im thankful na may ganito po palang forum.
I need an advice po, gusto ko po kasi mag file ng adultery case sa asawa ng kapatid ko. Ganito po kasi yong nangyari, June 18,2013 po kinasal po sila ng kapatid ko pero before po nun 6yrs na po sila magkarelasyon and minsan po samen na natutulog ung babae or ung kapatid ko dun natutulog saknila.
Nagstart po ang lahat nung 2014, accidentally ko po nakita yong asawa ng kapatid ko na iba ang nagdadrive ng kotse nila, tinted po kasi kaya ndi ko nakita ung driver, ang alam ko po siya lang ang marunong magdrive sa family nila, at wala naman po ang tatay niya that time,.
Seaman po kasi ang kapatid ko, kaya po pag umaalis siya naiiwan po sa asawa nya ang kotse at ung asawa niya po dun po nakatira sa bahay ng magulang niya. Binalewala ko po ung nakita ko na un. Tapos after 3months po tumawag saken ung pinsan namen sinabi po na may nagsasabi nga po saknya na nakakakita din na lalaki ang nagdadrive ng kotse nila. At may issue nga po na lalaki niya un, dun na po kami nagstart mag investigate, pero hindi po muna namen ipinapaalam sa kapatid ko dahil nasa ibang bansa po at nasa barko siya.
Hanggang sa ang dami na nga po nagsasabi na may lalaki ung asawa ng kapatid ko. At nahuli ko na naman po na gamit ng lalaki ung kotse niya.
Hanggang sa nung december 2014 kumalat na po sa school yong issue na may lalaki siya dahil sa madame na din po nakakakita sknya, teacher po kasi ang asawa ng kapatid ko. Akala ko po tatapusin nya na ang relasyon nya nung kumalat na sa school nila ang issue.
February 2015 po umuwi po ang kapatid ko dahil sa critical condition ng nanay namen. Dun po nagstay ang kapatid ko sa bahay ng magulang ng babae. April 30, 2015 po umuwi ang kapatid ko sa bahay dahil nag away po silang mag asawa. Tapos kinabukasan po May 1, 2015 nahuli ng pinsan namen sa SM ung asawa ng kapatid ko kasama ang lalaki niya pati ang nanay nung lalaki, bigla daw po tumakbo yong babae, ginawa po ng pinsan ko tinanong niya sa lalaki kung anong meron saknila nung babae at inamin naman po ng lalaki na may relasyon nga daw po sila. Nung araw po na un sinabi ko na sa kapatid ko ang nangyari at pinaggagawa ng asawa nya. Synpre po bilang 1 lalaki na ginago ng asawa nya, nadepressed po ang kapatid ko dahil mahal na mahal niya po ung babae.
After 2days po, pinuntahan ko po sa bahay ung lalaki, at hinarap naman po ako, mismong saken po inamin din ng lalaki na may relasyon sila nung babae. At nung tinanong ko po kung kelan pa, ang sabi nya lang matagal na daw po, at ang sabi daw kasi sknya nung babae maghihiwalay na sila ng kapatid ko which is impossible po kasi nga po dun pa nakatira ang kapatid ko sa bahay nung magulang nung babae pag umuuwi sya sa pilipinas.
After 2 weeks po, ung kapatid ko inaamo pa po ung asawa niya, pinadadalan pa po ng bulaklak, yng kapatid ko pa po ang nakikipag ayos.
Last october 2015 po nag file po ng annulment ung babae, psychological incapacity daw po kapatid ko, at bakalagay sa sumon, ilang beses daw po nahuhuli niya na may babae ang kapatid ko, which is not true naman po.
Ndi po uma-aattend sa hearing ang kapatid ko dahil po nagbabarko po siya. Then nito pong May 2016 nalaman ko po na may ibang karelasyon na po ung babae, September 2015 po naging sila nung lalaki na nasa US po, at nung umuwi po ung lalaki nung May 9, 2016 dito sa pinas dun po tumuloy sa bahay nung babae.
Pwede po ba ako na magfile ng adultery case against her, and gusto ko po kasi matanggal ang lisensya niya bilang teacher. At malakas po ba ang kaso na manalo po ako? May mga witness naman po ako, and alam ko po na bawal pero nai-record ko po ung usapan namen nung lalaki niya nung umamin po saken na may relasyon sila.

2case - Need advice for adultery case Empty Re: Need advice for adultery case Thu Aug 25, 2016 7:38 pm

HrDude


Reclusion Perpetua

Sa haba ng kuwento mo e simula pa lang ay klaro na ang sagot. Wala kang karapatan na mag-file ng kaso dahil kapatid ka lang. Ang puwedeng mag-file nito ay ang directly involved sa sitwasyon na ito at yun ay ang iyong kapatid.



Last edited by HrDude on Wed Sep 07, 2016 5:53 am; edited 2 times in total

3case - Need advice for adultery case Empty Re: Need advice for adultery case Sun Aug 28, 2016 3:37 pm

Htey19


Arresto Menor

Pero pwede ako magpatanggal ng lisensya niya

4case - Need advice for adultery case Empty Re: Need advice for adultery case Sun Aug 28, 2016 3:44 pm

attyLLL


moderator

for adultery to prosper, it has to be the husband who will file the complaint.

however, you can file a complaint at the PRC for immorality so that her license may be revoked. note you will have to prove all your allegations.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum