Hi I'm Jay. Just want to know kung pwede ko bang kasuhan ang wife ko nang adultery. Before kasi nag hiwalay kami. Pero hindi legally separated talaga. Hiwalay nang house. Kasal po kami. Narga kanya yung bata nung time na yun, pero 1day iniwan niya samin kasi daw magwo work siya at walang magba bantay. Pinupuntahan naman niya yung bata.,papunta punta lang then aalis din on the same day. Tapos may nakita ako sa phone niya na picture with a guy. Picture nila na like selfie pero naka kiss sa cheeks niya at madami pa kong nakuhang picture sa fb nya with the same guy . May mga nakuha din akong scrnshots nila sa comment box nang fb na nagu usap sila and masasabi talagang my something. Then di ko naiwasang mag post nung pix nang guy sa fb of course with a caption na iniinsulto siya at para mapahiya. Galit po talaga ako. Tapos nagpunta siya sa bahay, knukuha ang bata and claiming na mas my karapatan siya dahil nanay siya. Hindi ko po ibinigay ang anak namin. Nagpunta ulit siya with her mom and nag commit na ibablik ang bata after 3days. But 1yr ago na po, hindi pa binabalik. Tinatago nila yung bata sakin. Nag file akong reklamo sa brgy. Nila. Pero ang sabi nya makikita ko lang daw ang bata kung sa brgy. Lang at makikipag settle lang siya with legal agreement from atty. Dahil hinihingian niya din akong suporta para sa bata. I-pursue ko daw ang case against sa kanya kung gusto ko pero kailangan niya daw nang suntento para sa anak namin. Honestly po, mababa lang ang sahod ko and hind ako mkapag commit kung magkano ang dapat kong ibigay. Added to this, nalaman ko po na nabuntis siya nang lalake nya at baka nga po nanganak na. Enough po ba ang evidence ko para kasuhan siya nang adultery and makuha ang custody nang bata. Kasi karapatan ko din naman pong makita ang anak namin. Thank you po sa advice at pasensya na po kung masyadong mahaba ang msg. Ko