hello po. atty gusto ko po sana magseek ng advice. kinasuhan po kasi ako ng qualified theft noong february ng presidente ng company namin. corporation po ang company namin pero nung dumating po yung compalint saken nakapangalan po yung complainant sa presidente at nakaaddress sa bahay nila at di sa company. nagkaron po kami ng mga hearing sa fiscal, sa counter affidavit ko po ay sinabi ko ang kakulangan ng authority para sa compalint dahil walang board resolution, sa sumunod na hearing po na dapat ay sasagot ang complainant pero sabi niya ay di na siya sasagot kasi gusto na niya ng resulta kaya sabi ng fiscal magantay nalang kami ng decision. after 22 days ay may dumating sa aking subpoena asking for clarificatory hearing pero sa hearing po walang itinanong sa amin ang fiscal pero sinabi nito sa complainant na di daw niya maintindihan yung complaint kaya pinagawa niya ito ng supplemental. di ko po naintindihan ang nangyari at nagask ako ng legal advice at sinabi sa akin na gumawa daw ako ng opposition n di ako pumapayag,ginawa ko po at sinubmit ang opposition ko sa sumunod na hearing nabasa ko ang supplmental niya at nadagdagan pa ang reklamo niya,at mga attachment niya kasi di daw niya nailagay dati at sinabi sa akin ng fiscal na di daw niya tatanggapin ang opposition ko sa hearing na yun may nakaita ako sa table ng fiscal na document regarding sa case namin, sabi ng fiscal nagantay nalang daw kami ng decision after nun.. after ng hearing bumalik ako sa fiscal office para malaman kung ano yung nakita ko nung una ayaw ng secretary na ipakita sa akin meron na daw ako nun,kesyo dati na daw yun pero ininsist ko kasi alam kong karapatan ko iyon hanggang sa ilabas niya iyon at nakita kong board resolution iyon,na wala naman sa furnised copy ng reklamo sa akin. june 3 po yung last hearing namin july 16 dumating sa akin ang decision na iaakyat sa proper court ang case. kakilala po ng compalinant ang fiscal na humawak ng case namin. natatakot po akong makulong kasi may nagsabi sa akin na warrant if arrest na daw po ang kasunod,di ko po alam kung anong dapt kong gawin. patulong naman po ano po ba ang dapat na gawin ko.