I need help regarding this.
Married po ako with 2 kids. Yung asawa ko biglang umalis at umuwi sa kanila dala yung mga bata... After 1 month bigla akong pinatawag sa barangay kasi nag demand sila ng sustento sakin.. Nagreklamo ako kasi bakit manghihingi sila ng sustento eh sila umalis tsaka d nman kami nag away.. Basta bigla nalang umalis.. Parang tinanggalan ako ng karapatan sa mga anak ko.. Ngayon 3 months na kami hiwalay at wala ring communication. Ano bang legal actions ang dapat kng gawin para mag karoon ako ng karapatan sa mga bata? Married nga kami kaso d ginampanan ng asawa ko yung responsiblity niya as a wife sakin kasi palagi nag rereklamo at bigla bigla nalang umaalis. yung mama naman niya imbis mag bigay ng payo yun pa yun minsan ang nagiging cause ng paghihiwalay namin kasi kinokonsente niya maling ginagawa ng anak niya... Salamat po!!