Nais ko sana humingi ng advice. Kinasal po kami ng aking wife or let say ex-wife taong 2006, year 2008 po umalis siya kasama ang 2year old son namin. Nagpaalam siya na uuwi daw sa province nila, pumayag po ako,kasi sa pamilya niya naman siya pupunta, hindi po ako sumama o nakasama dahil sa trabaho ko na hindi ko pwedeng iwan. At wala po kaming ipantustos sa araw kapag hindi po ako mgtatrabaho. Ilang beses ko po siyang tinxt na umuwi na dito kasi mahirap po para sa akin na walang nag-aasikaso, ako naglalaba, nagluluto, lahat po. Pinadalhan ko po ng pera pamasahe para maka uwi, mga 4 times ko po xa pinadalhan pati na yung pagkain nila ng anak namin. Pero hindi po talaga xa umuwi hanggang ngayon.
Lately po nalaman ko na nag-asawa na xa ng iba, may nka pagsabi na kinasal daw sila nung guy med of year 2008. pina check ko po sa NSO yung marriage namin hindi po naka register pero I know ikinasal kami by Mayor 2006. Ang kasal naman nila ng guy ay nka register na. So anu po ba ang habol ko dito?
Void po ba yung kasal nami na iyon dahil hindi naregister sa NSO kahit nauna kaming ikasal?