Payuhan nyo naman po ako, nagbayad po ako ng downpayment para sa isang house and lot sa batangas 65 thousand pesos, gusto ko pong irefund dahil nung una po ang sabi nila 10% interest lang at nasa around 16 thousand pesos a month lang ang babayaran ko at maaring lumiit pa kung iloloan sa bangko, nung nagpunta po ako dun ang sabi nila ay 17% for inhouse dahil yun nalang po ang option ko, halos umabot napo sa kulang 20thousand a month and babayaran at sa tingin ko po diko kakayanin ng 10 years. Sabi po nila nasa batas na hindi pwede irefund kung wala pang 2years ang naibabayad, unfair po yata na hindi nila irefund yun kasi napunta lang sa po sa wala at hindi po maliit na pera yun para akin. sa pinirmahan ko pong papel nakasaad na yung reservation ay hindi refundable which i understand ok lang po yung kasi 7,500 lang po un, ang gusto ko pong makuha ay ung natitira sa 65 thousand pesos.
Maraming salamat po,
Gerlie