Nais nilang isanla ang 1unit/door ng 500k ngunit sinabi ko na ang budget lang namin ay 350k, pumayag sila at sinabing nila na hulug-hulugan sila hanggang december at nag-agree naman kami mag-asawa.Nagkaroon kami ng Mortgage Agreement, at notarized ito at naka-indicate doon ang full amount na 500,000.00 thousand ngunit ang ibinigay ko lang muna po ay 350,000.00 na ni-receive naman nila.
Dumaan ang April, May, at sinabi nilang ipapa-ayos lang muna ang bahay para comfortable sa amin, which is pumayag naman kami. Ngunit Dumating ang june ng medyo nagtaka na kmi at sobrang tagal na. Nagharap kami at sinabing nagbago na daw ang isip nila at hindi na lang isasanla ang bahay. Pumayag naman kami at nais na lang namin na ibalik nia ang 350,000.00 namin.
Nagulat din ako ng makita ko na may iba nang nakatira sa bahay na isinanla sa amin, at kinausap ko ang tenant isinanla daw sa knila noong june19 ng mas mataas na amount compared sa akin ngunit hindi pa rin ibinalik ng pera ko.
Nagpunta na po kami sa barangay noong June 21, at doon nangako sia na ibalik ang pera namin after 1month july 21, 2012 pag naayos na ang loan nia sa UCPB at ma-release ito. Wala naman kami magawa kundi ang maghintay.
Ano po ang next na move namin po, ang mahirap nito wala kami pinanghahawakan kundi ang notarized na contract.at ang acknowledgement receipt na ni-receiv nila ang 350k namin.Please need your advice.Thanks