Nabutis po ako nung 19 years old po ako. wala po akong kaalam alam sa buhay noon lalo na sa mga legalities pag dating sa bata.
Yung biological father po ng anak ko, may ibang pamilya na. Never nya po naramdaman sa biological father nya na minahal sya nito bilang isang tunay na anak.
Parents lang po nung lalake ang nag susuporta sa anak ko.
Ang problema po, sinisiraan ako nung Parents nung lalake sa anak ko, kaya po nagkaron na nang problem behavior yung bata. Dahil yung mga bagay po na hindi dapat nadidinig ng murang edad sana na gaya nya ay nadinig nya lahat sa kabilang side para lang po hindi na sumama sakin.
Kumakausap na din po ako ng mga Psychiatrist at Counselors para sa anak ko..
2016 po nung kinuha ko na ng tuluyan ang anak ko sakanila, hanggang ngayon todo gabay po ako sa anak ko. Dahil bakas padin po ang emotional torture sakanya dahil sa mga nangyare.
Lalo na at ramdam nya na hindi sya mahal ng biological father nya.
Ikakasal na po ako ngayon sa iba, at yun po yung tinuturing na Ama ng anak ko, dahil dun nya lang daw po naramdaman ang pag mamahal ng isang tunay na Ama.
Tuwi pong maalala nya yung biological father nya, nag iiba po ang timpla nya. Kaya po ayaw nya na daw po malala yun. Pag nadidinig nya po pangalan nung biological father nya ay grabe sya mag wala nagagawa nya pa po suntukin at hampas hampasin ang ulo nya kasi ayaw nya na daw maalala po iyon.
Gusto ko po sana itanong kung pwede po ba alisin ang apilyido ng biological father nya sakanya? mula po ng kunin ko ang anak ko never na po sila nag sustento, at never din po sila gumawa ng paraan para makita nila ang bata kahit minsan na po ako gumawa ng paraan para makita nila anak ko, kami pa po ba ang dapat lumapit ng todo sakanila? Gusto ko sana nung time na yon, ipakita ng biological father nya na kahit konti may halaga sya sa kanya. Kaso wala po syang ginawa.
Kaya po buo na ang loob kong, alisin totally ang bakas ng biological father nya sa buhay nya.
Gusto ko na po maging maayos ang isip ng anak ko, kalimutan nya lahat ng masasamang alala at mga sakit na naramdaman nya dahil sa biological father nya.
Gusto nya na din po alisin ang surname ng biological father nya sakanya.
At yun na din po ang gusto ko.
Para maka move on na po sa buhay nya ang anak ko.
Marami pong salamat, sana po ay madinig ko ang kasagutan ninyo.
Miss S.